despedida is our specialty
in true wasak fashion, kahit na malugkot ang okasyon, wasak pa rin!
naaalala ko ang bagsak ng balita noon - magreresign within weeks of each other ang dalawang pillars ng research na si ate maricar at ate chona. at since sabi nila, "it always comes in threes," mauunahan pa pala sila ni lawrence!
and so sa halip na magpanic sa dami ng trabahong maiiwan, nagplano na lang ng... dyaraaaan! partaaaay! dito tunay na nahasa ang talino at abilidad ng mga taong magplano nang patago. hehe. ni hindi namalayan ni lawrence na tinakpan na pala ng DIYARYO ang ating former party room, now known as opisina ng mga op-ed editors -- walang kamalay-malay sina sir jorge et al na ganito pala ang pinagdaanan ng kuwarto nila bago nila ito i-occupy hehehe. nauso ang paggawa ng mga mock na front-page (nabura na ba ito sa Shell, tere? hahahha), hindi nawala ang gagong cakes ng red ribbon (carry-over ng sangkatutak na surprise birthday celebs) at paminsan, talagang tunay na sukatan ng lakas ng loob (matapos naming gawin ang ginawa naming libre spread para kay ate maricar -- FABBBB!) ang mga despedidang ito.
speaking of sukatan ng lakas ng loob. since pakapalan na ng mukha rin lang, tapusin natin ang makasaysayang three-part despedida series ng research sa isang malawakang cross-dressing event (a.k.a. androgynyt) na kinatampukan ng debut ko -- hindi malilimutan (sorry sa mga di nakatulog dahil sa imagery ng gabing yun) ang kurtina ni armin, cycling shorts ko, ang makabagbag-damdaming slide show ni bong revilla at anna dizon, ang pulang lights ni ate maricar (for that complete impyerno feel) at shempre, ang ating hot na hot na androgynous girls (yihaa highlight of the night lang).
ni hindi pa nga nakakapagpahinga ang ating office-wide despedida committee e kinailangan natin uli magplano ng despedida para kay kat -- nauso ang video messages at si dan doligon, naransack ang astor at bumaha -- as in bumaha -- ng alkohol (is this love, is this love, is this love that i'm feeling... ika nga ni irene pagbukas ng ref). parang the life lang.

(back where we started)
despedida ni lawrence despedida ni ate maricar despedida ni inay despedida ni kat
fly away, skyline pigeon fly afternoon delight androgynyt despeluau

Timeline

despedida ni melawrence - first week of june 2007
despedida ni ate maricar - mid-june 2007
despedida ni ate chona - mid-july 2007
despedida ni kat - mid-september 2007