hindi ko rin alam.
siguro, bumibigat — sa kahulugan (kasi mahalaga, dahil binibilang ba ang hindi mahalaga?), sa pag-asa (na sana dumating, sana di na dumating, sana maulit, sana di maulit, sana bumalik, sana wag na — maraming uri pero pare-pareho lang), sa kung anu-anong kaakibat na emosyon (pero kadalasan, luha. pero mas mabigat kung galit.)
so ako, ngayon, kalahating buwan na walang yosi. labing-pitong araw. minsan di ko na naiisip sa loob ng isang araw na matagal-tagal na rin pala yun, at naisip ko ngayon-ngayon lang na ito na ang pinakamatagal kong panahon na kinayang walang nicotine. dalawang tumbling pakanan, tatlo pakaliwa.
ikaw, bakit mo binibilang ang mga araw mo? hmm.